



|
|
BIOGRAPHY
Name: Hon. Bernard Leo U. Zapanta
Nickname: “BOOTS” , “BUZ”
Occupation: City Councilor
Address: Lot 19 block 6 Brentwood avenue Brentwood Parkhomes, Barangay Mambugan, Antipolo City
Contact numbers: 697028 / 0920.9113775 / 0979.7712388
Age: 29
Birthday: September 6, 1977
Height: 6’0
Weight: 175 lbs.
Name of Spouse: Aliza A. Zapanta
Occupation: Banquets Officer of Discovery Suites, Pasig City
Dependents: 1 ( one )
Chairmanship: Committee on Environment and Natural Resources Committee on Senior Citizens and Veterans Affairs
EDUCATIONAL BACKGROUND:
Elementary: Colegio San Agustin, Makati City
High School: St. John’s Academy, San juan
College: Bridgewater College of Virginia, USA
De La Salle University – College of Saint Benilde, Manila City
Course: Bachelor of Arts major in Human Resource Management ( AB-HumRM )
AFFILIATIONS:
DILG-PRIMO “PATROL 117” BUZ-Antipolo Division
Friends of Boots Zapanta Movement
Antipolo Senior Citizens Federation
NBI Office of the Assistant Deputy Director
Liberal Party
Friends of Ito Ynares Movement
Philippine Councilors League – Rizal Provincial Federation
EMPLOYMENT BACKGROUND:
A-OK Credit Corporation
Ortigas Center, Pasig City
Assistant General Manager 1999 – 2001
Redicash Credit Corporation
Barangay Poblacion, Makati City
General Manager 2001 – 2003
Auto Sources Inc.
809 Scout Borromeo corner EDSA
South Triangle, Quezon City
Sales Executive 2000 – up to present
Universal Star Petroleum corporation
2312-B Callejon E. Dalaga Street
Barangay Gagalangin, Tondo, Manila City
Sales Executive 2003 – up to present
Twin Distributors Inc.
27 Munich Street Merville Park
Paranaque City
Account Executive 2003 – up to present
AntipoloCity Hall
Office of the City Council
City Councilor 2004 – up to present
THE BUZZ
Mula sa Pagiging Matagumpay na Negosyante
Tungo sa Lingkod Bayan
Kailanman, hindi namimili ng edad ang pulitika. Ngunit kinakailangan ang sinseridad upang maging matagumpay sa ganitong larangan. Ito ang naging panuntunan ni Bernard Leo Umale Zapanta, ang pinakabatang konsehal sa lungsod ng Antipolo sa kasalukuyan. Isinilang s’ya nuong Setyembre 06, 1977 at sa edad na 27 isa na s’yang matagumpay na negosyante at konsehal.
Nagtapos sa kursongBachelor of Arts major in Human Resource Managementmula College of St. Benilde – De La Salle University kinamulatan na ng batang konsehal ang pagnenegosyo ng kanilang pamilya. Taong 1995 pa lamang ng pasukin ni Boots ang nasabing larangan bilang Assistant General Manager at kalauna’y General Manager ng isang credit company. Naging matagumpay na Sales at Account Executive ng ilang mga restihiyosong kumpanya bago pasukin ang mundo ng pulitika.
Ayon kay Boots wala sa hinagap n’ya na isang araw ay tatakbo s’ya bilang pulitiko. Napakalayo ng mundong kanyang ginagalawan bilang may mataas na posisyon sa pribadong kumpanya kaysa sa sinasabi nilang magulong mundo ng pulitika.
Pero biglang nagbago ‘yon ng nakita ng kanyang pamilya ang panunugkulan ni Mayor Angelito C. Gatlabayan sa lungsod ng Antipolo. “Isang malaking pagbabago ang naganap sa ating lungsod. Maraming naayos at naitaas ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan pagkatapos na mahalal si Mayor Gatlabayan nuong 1998. Dahil dito kaya nagpasya ako at ang aking pamilya na makibahagi at tumulong sa patuloy pang pag-unlad ng ating lungsod sa pamamagitan ng paglahok sa pulitika” pagpapatuloy ni Konsehal Zapanta. Aniya, napili n’ya ang pagiging konsehal sapagkat nais n’yang gumawa ng mga ordinansang direktang tumutugon sa mga pangangailangan ng higit na nakararami. Alam ni Boots na hindi madaling trabaho ang gumawa ng mga lokal na batas at magpasa nito, ngunit ito ang nakita n’yang paraan upang maiparating sa pamahalaang lokal ang mga nararapat at napapanahong serbisyo na dapat sa kanila.
Sa kasalukuyan, si Konsehal Zapanta ang Chairman ng Committee on Environment and Natural Resources at Senior Citizens sa konseho.
Pangunahing pinagtutuunan n’ya ng pansin ang kapakanan ng mga nakatatanda sa lungsod dahil naniwala s’ya na pangunahing sandigan ng pag-unlad ng bansa ay ang sektor na tulad nito. Samantalang, ibayong pangangalaga sa kapaligiran ang kanyang ipinapanukala upang may maasahang magandang kapaligiran ng mga kabataan at susunod pang mga henerasyon sa lungsod. Kabilang sa kanyang mga proyekto na ipinapatupad ang paglahok sa malawakang pagtatanim ng mga punong-kahoy sa buong Antipolo, sportsfest ng mga senior citizen at libreng gupit sa bawat sitio ng 16 na barangay. Umaabot na sa 30 mga resolusyon at ordinansa ang kanyang nagawa kung saan kabilang dito ang mga ganap ng ordinansa tulad ng paglalagay ng munting basurahan at No Smoking Sign sa lahat ng pampasaherong sasakyan na bumubiyahe sa buong lungsod at ang pagbibigay ng iba’t-ibang uri ng benepisyo sa lahat ng mga senior citizen alinsunod sa R.A. 9258.
Samantala, kasalukuyang nakahain para sa mga susunod pang deliberasyon sa konseho ang mga panukala hinggil sa pagtatanim ng puno sa bawat loteng may sukat na 150 sq. meters, pagsasailalim ng lahat ng mga water delivery truck sa 2 beses isang taong pagsusuri ng tubig at pagkakaroon ng Ligtas Tubig City Seal at lahat ng mga bakanteng lote na maging pansamantalang taniman ng mga gulay at prutas upang magsilbing alternatibong pagkakakitaan ng mga senior citizen at beterano.
Sa susunod na mga buwan, nais ni Konsehal Boots na maitatag ang Antipolo League of Environmentalist. Ang mga mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan ang nakatakdang maging miyembro nito. Dito, umaasa s’yang uusbong ang bagong pananaw sa pangangalaga sa ating kalikasan. Nakahanay na rin ang mga programa at proyekto na tutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga senior citizen sa susunod na mga taon. Positibo ang kanyang pananaw na lahat ng ito ay matutupad dahil nasa likod n’ya ang dalawang napakaimportanteng grupo ng lipunan – ang nakatatanda at mga kabataan.
Sa huli naniniwala at namumuhay si Bernard Leo Zapanta sa isang paniniwalang hango sa biblia “ Good people suffer many troubles, but the Lord saves them from them all”. Para sa kanya, ang lahat ng paghihirap ay may kapalit na pagpapala basta manindigan ka lamang sa tama hindi ka pababayaan ng Lumikha. At dito nagsimula ang mga Zapanta, ang lahing maaasahan.
|